Friday, July 15, 2011

Sa Pagwawakas Nang Artikulo: Sa Aking Masidhing Pag – Aaklas, Ipinataw Ko Sa Panulat Ang Batas


by Carla Picasa on Saturday, June 25, 2011 at 4:05pm
 Sa ikalawang pagkakataon, naranasan kong muli ang matinding kasawian iyon –– kasawiang walang ibang hatid kundi ay labis na pighati at matinding kalungkutan, kalungkutan na syang dahan–dahang bumabalot at yumuyurak sa aking isip at damdamin, kalungkutang pumapawi sa sana’y makulay na diwa ng hapong iyon, kalungkutang dala ay labis na pagkamuhi sa sarili na syang lalo pang nagpapaalab at nagpapaigting sa pagnanasa kong makamit ang nag-iisang bagay na magbuhat pa noo’y aking nais mahangad ...ang bagay na ugat ng lahat ng karahasang ito.

        At sa aking ikapitong hakbang ay tuluyan nang pumatak ang mapaminsalang ulan. Sa noon ay kanina ko pa pagparoo’t-parito sa loob ng apat na sulok ng tila miserableng piitang kwartong iyon ay hindi man lamang ako pinamukawan ng ultimo bahagyang lakas. Maglao ‘y pinangibabawan ako ng matinding pagkabalisa. Saka ko na lamang napagtantong ako nga pala ay nag-iisa. Mahirap sapagkat unti-unti akong muling  pinapaslang ng katotohanang ito. “Ibig kong malinawan sila sa katotohanan! Ibig kong hindi pagkaitan ng  hustisya ng aking pagkawala! Kailangang magbayad ng mga nasasangkot!” subalit tila ang mga hinaing na iyon ay nanatili na lamang sa pirmi nilang pagkakahimlay, mga salitang kaylan ma’y hindi na maisisilang pa.

        Hanggang sa muli kong paglingon sa isang sulok sa kwartong iyon ay napagtanto ko ang presensya ng isang kaibigan. Naroon lamang siya’t nananatili sa katagalan ng maghapong iyon. Parang kailan lang ang isang linggong lumipas. “Sa wakas, ito na marahil ang pagkakataong matagal ko nang hinihintay”. Sinubukan ko siyang lapitan. At init ng pagkasabik ang bumalot sa akin sa muling pakikipagdaupan ko sa kanya..."Ang panulat ko", nasambit ko na lamang.

        At sa katahimikan ng hapong iyon, kasabay parin ng noo’y mas lalo pang lumakas na pagbuhos ng ulan ay aking inilimbag ang mga salitang aking ikinimkim ng mahabang panahon, ang katotohanang gigimbal sa mapanghusgang lipunang minsan ko naring kinasadlakan. At sa bawat maisusulat na titik ay mahuhulma ang mga salitang tumutumbas sa aking kapayapaan at paglaya.

        “Sa wakas ay maisisiwalat ko na rin ang lahat! Ngayon ko lamang ito muling masasambit!”...

        “BANG!”... alingawngaw ng putok ang paulit-ulit na tumapos sa akin. Bigla akong naupos sa kinatatayuan na tila ba isang kandilang pinutulan ng pisi sa ikalawang pagkakataon.

        “...s-sa w..a...kasss ayy mai-sis..iwalatt ko narinn  angg lah...attt...”,  ngayon ko nalamang ito muling masasambit ... at hinding-hindi na muling mauulit.

Ito Ang Liham Ko, Isang Lihim Sa Iyo...


by Carla Picasa on Sunday, July 10, 2011 at 6:44pm
At sa pambihirang pagkakataong iyon ay nagpaubaya na ang isip sa mahinang puso ko. Iyon na marahil ang kauna-unahang pangyayaring tumunaw sa pirming batong damdamin ko. Hindi ko man sambitin ay sadyang hindi ko rin maitatatwa ang katotohanang napaligaya niya ako. Tila ba isang mahika ang pumukaw sa akin.

“Iniibig kita...”. Hindi ko maarok ang nais ipahatid ng mga binitiwan niyang katagang iyon. Subalit isa lamang ang nasisiguro ko noon, “Mahigpit na tutulan manng mapanuri’t mapanghusga kong pag-iisip ay alam kong iniibig ko na rin siya.

Batid kong ilang minuto lamang ang itatagal ng kahangalang ito. Pagkatapos ay anu pa at maghaharing namang muling ang aking isipan, nagdidiktang sarili at sarili lang ang dapat paniwalaan.

Subalit nakatitiyak akong sa muling pagtibok ng aking puso ay magwawagi na siya, panghahawakan at paninindigan ang bawat mamumutawing matamis na pangako para naman sa kaniya. At sa pagkakataong iyon ay ay alam kong

Siya na....
Siya na....

Saturday, May 28, 2011

Isa Syang Batikang Manlilinlang

Isa Siyang Batikang Manlilinlang

Sa anyo niyang iyon ay madali siyang nakapagkukubli. Ang inosenteng madla ay tila nabubulag pa rin sa mga ipinakikita niya. Tama, hindi sasalang tagumpay na naman ang kanyang plano.
    
“Sa buhay na ito, dalawa lang ang klase ng tao: isang nanlilinlang at isang nalilinlang... nasa sa iyo na lamang kung saang tipo ka naaayon”. Madalas ko itong marinig sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nahihimlay na lihim na ibig sabihin sa mga binigkas niyang iyon. Ang sigurado ko lamang, may mas malalim siyang nais iparating, higit pa sa literal na ipinahihiwatig ng mga katagang yaon. Sinusubukan ko mang intindihin sa aking isip ay subalit sadyang hindi ko sila maunawaan. Noon pa ma’y napakahilig na niya sa mga patalinhagang salita. Sapul pa man din ay hindi niya ako dinirekta sa pagsagot. Gusto niya iyon –  ang mag-iwan ng tanong sa isip ng kanyang nakakadaupang palad at dahil doon ay lalo siyang nagiging misteryosa sa paningin ng iba.

     “Habag ang nararapat sa mga katulad nilang mabababaw magsipag – isip... silang mga mangmang na nais ay baybayin ang buhay sa pinakamadaling paraan,  silang mga hindi nakakaunawa ng pasikut – sikot at estratehiya, silang mga nakapariwara lamang sa tabi – tabi...”, iyon ang pinakahuling narinig ko sa kaniya. Hindi man niya aminin subalit sa bawat pagturing niya ng mga ganoong salita ay nalalamman kong siya ay may ipinagdaramdam. Kung minsan ay pinamumukawan din ako ng awa sa kanyang kalagayan dahil alam kong sa takot niyang hindi makasakit ng partikular na taong patutungkulan ng kanyang hinanakit ay idinaraan na lamang niya ito sa ganitong paraan – paraan na siya lamang at wala ng iba ang nakauunawang lubos.
     Madalas kong iparamdam sa kanya ang aking presensya. Ibig ko sanang mabatid niyang hindi siya nag – iisa. Ibig kong mapagtanto niyang handa akong makinig, umunawa at maghintay ng pagkakataong hingan niya din naman ako ng konsulta. Ibig kong ipaabot sa kaniyang naririto ako. Subalit talagang ‘sing tibay ng bato ang kaniyang paninindigan. “Paanong natitiis niyang ikubli ang mga hinaing na ito sa kaniyang sarili?”, madalas ay aking maitanong. Subalit iisa ang inuuwiang kasagutan ng lahat ng agam – agam kong ito patungkol sa kaniya, anupa kundi ang linya niyang, “May kani – kaniyang suliranin ang bawat isa. Kung ako na rin lamang ang nasa kalagayan ng iba at may maligaw ang landas na sawimpalad na kokonsulta sa akin ukol sa kaniyang problema ay nakasisiguro akong hindi ko siya paglalaanan pa ng aking napakahalagang oras at panahon. Tama, sapagkat wala rin akong pakialam sa kanila at tiyak ganoon din sila sa akin...”

     Sukab, makasarili, at hibang – ito ang sapul na pagtingin sa kaniya ng maruming mundo. Animo’y tila sumpa ang bawat isang salitang mamumutawi sa kaniyang bibig... nakapangingilabot... nakapopoot... At ito ang itinakda niyang paraan ng pagpapakilala sa mundo. Bagamat sapantaha ko’y ito na rin marahil ang paraan niya ng pagkukubli sa sariling kahinaan. Hindi na bale ang siya ang makasakit, huwag na huwag lamang siya ang unang masasaktan. Kakaiba talaga siya.

     Lumipas man ang mahaba – habang panahon ay alam kong ibig na niyang manatili sa katauhang yaon. Sa bihis at tindig pa lamang ay hindi na maipagkakailang,

     Isa siyang batikang manlilinlang...

--cess

Tuesday, May 10, 2011

A LETTER FROM A GIRL


The coldest day of December, 2000


Dear Boy,
             
            As I watch this morning sun, I know that I’ll be facing another day, only much different from yesterday and from the passed several days. For this day onwards, I’ll be living without your presence. Actually, I knew this would really happen just even before we accepted each other’s loving company. It just didn’t came to my expectation that it would be this soon, so soon that I’m not ready yet to live on my own. Sorry, it’s just the fact that I can’t let you go.
                But time heals own wounds. Maybe tomorrow, maybe on the followings days... who knows? I’m now looking forward to the day when I could cheer myself up a friendly smile upon reminiscing those sweet memories once I think again of you.No more bitterness... No more emptiness... Everything alright. Everything fine.
                How are you by now? Heard that you’ve been into another lucky girl. Well that’s a good sign! You really seemed to have moved on. Nevermind me, I’ll be fine here.
                Till the next time we meet...
                Till the next time we meet...

Once yours,
Girl
                

This is the end I once told thee


By now you are no longer part of me
And that was 14 days ago
There would be no more anniversary
No more sweet acts to ever show
For now you know and now you clearly see
This is the end I once told thee.

This affection’s immortal, indeed endless
That’s what we strongly believe before
Thought that fairytale’s all romance and caress
Just positive vibes and nothing more
But rapid are changes, and now you witness
This is the end that I once told thee.

We sworn and took vows before each other
Upon watching the old sunset
No odds and trials shall ever matter
“Together”, even after death
But hurting truth now end the sweet laughter
This is the end that I once told thee.

From this day on bear in mind, in soul, in heart
There would never exist a thing as PERFECTION
For at the end bonds and ties will grow apart
and everything would just be part of the old yesterday's vision...

Saturday, April 16, 2011

Triumph Over Myself

If there’s one place in which I would find the darkest roads, the most painful obstacles, and the heaviest rainfalls, I would find it nowhere but in my life – MY CAGE.

Tired, bored, and curious of what the outside world looks like – that’s exactly how I define my self. For all the years of my living, my whole world revolves under the mighty words of the people around me. I’ve been fed up by their “Do this!” and “Do that!” .Somehow, I always feel like I was born to obey. And it’s been very hard for me fulfilling all their high expectations. For them, I am nothing if I don’t bring them the honor and pride they are demanding. It seems like everything is a “Do or Die” policy.

So many things are still unclear for me. “Why do they have to compare me to their selves? Am I them?” .So many questions are deprived of the chance to be asked. I wonder how my life gets worse and worse everyday each time I hear those voices – voices that command me to do things that are strongly against my will.

I am in a cage, in a very small cage with vast dreams and infinite curiosity of what the life outside can be. But I never lose hope. I never give up. I never stop finding all possible ways to a day where I will break my silence and finally RULE MY SELF…

A Curse In The Cold December Night

Hush. Hush.
Violent silence speaks and the cold December night brings reminiscence of the past when I held her arms as she took her very last breath.
Death. O mighty death. I curse you!
I curse you for taking her away and forever away from me, for letting her leave without any trace, for letting her journey heaven without me. And now she is alone there... and I know that.
December. I hate you now.
I curse you as much as I curse death. For you betrayed me.
Memories. You are   no longer a friend of mine.
I curse you, for you made this wound bleed again. And just every time - every hour, every minute, every second you strike in my mind, I nearly die... and that's   when I can feel thhe tender caress of death as it separates my body from my soul... shake my every nerve... and tear me into pieces of nothing.
And dear air - Oh my dear air!
You are selfish so I curse you for you left her. Helpless!... just when she needed you most.
Cold December night.
I swear to never see you again for you are now an antagonist to me.

For you took her...
For you took her...
For you took her..