by Carla Picasa on Sunday, July 10, 2011 at 6:44pm
At sa pambihirang pagkakataong iyon ay nagpaubaya na ang isip sa mahinang puso ko. Iyon na marahil ang kauna-unahang pangyayaring tumunaw sa pirming batong damdamin ko. Hindi ko man sambitin ay sadyang hindi ko rin maitatatwa ang katotohanang napaligaya niya ako. Tila ba isang mahika ang pumukaw sa akin.
“Iniibig kita...”. Hindi ko maarok ang nais ipahatid ng mga binitiwan niyang katagang iyon. Subalit isa lamang ang nasisiguro ko noon, “Mahigpit na tutulan manng mapanuri’t mapanghusga kong pag-iisip ay alam kong iniibig ko na rin siya.
Batid kong ilang minuto lamang ang itatagal ng kahangalang ito. Pagkatapos ay anu pa at maghaharing namang muling ang aking isipan, nagdidiktang sarili at sarili lang ang dapat paniwalaan.
Subalit nakatitiyak akong sa muling pagtibok ng aking puso ay magwawagi na siya, panghahawakan at paninindigan ang bawat mamumutawing matamis na pangako para naman sa kaniya. At sa pagkakataong iyon ay ay alam kong
Siya na....
Siya na....
No comments:
Post a Comment